PCUP FODL, nagsagawa ng ocular sa Puerto Princesa para sa PCUP Mini-Caravan
30 Hunyo 2022
Nagkaroon ng joint ocular inspection ang PCUP – Field Operations Division for Luzon kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Puerto Princesa, Palawan noong Hunyo sa Barangay Langogan kaugnay ng iminungkahi nitong venue para sa gaganaping PCUP Mini Caravan sa lugar sa darating na Setyembre.
Ang nasabing barangay ay isa sa mga pinakamalubhang naapektuhan nang nanalasa ang Bagyong Odette sa Palawan. Dahil dito, inalam ng PCUP ang iba pang kinakailangan ng mga maralita sa lugar upang matugunan at maibigay ang angkop na serbisyo at programa para sa kanila. Napag-alaman na water system ang higit na kinakailangan ng mga residente.
Isa pa sa kinakailangan ng mga residente ay housing materials dahil maraming kabahayan ang nasira bunsod ng nagdaang bagyo. Hiniling din nila na mailapit ang serbisyong medikal sa lugar kaya’t nais ng mga ito na magkaroon ng medical at dental mission. Nangangailangan din ang kanilang komunidad ng mga animal dispersal projects.
Sinamantala na rin ng mga residente na ilapit sa Komisyon ang kanilang hiling na magkaroon ng livelihood training partikular na sa handicraft making o paggawa ng mga kagamitan gamit ang raw materials na mayroon sa kanilang lugar—rattan at kawayan. ###
via | PCUP Luzon
PCUP FODV, dumalo sa turn-over ceremony ng MRB sa Cebu City
30 Hunyo 2022
Dumalo sa ceremonial turn-over ng 100 residential unit-Medium Rise Building (MRB) sa Brgy. Lorega, Cebu City ng Cebu Landmasters Inc. (CLI) ang PCUP – Field Operations Division for Visayas (FODV) para sa Cebu City Government sa pangunguna ni Mayor Michael L. Rama noong Hunyo 29.
Ang nasabing MRB ay bilang pagsunod sa CLI sa balanced housing requirement ayon sa Section 18 ng Urban Development and Housing Act of 1992 (RA 7279). Isa sa mga inimbitahang keynote speaker ay si Secretary Eduardo D. Del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). ###
via | PCUP Visayas
CBP on Organizational Management, isinagawa ng PCUP FODL sa Mariveles, Bataan
30 Hunyo 2022
Matagumpay na naisagawa ang Capability Building Program (CBP) na may temang Organizational Management ng PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) sa Brgy. Mt. View, Mariveles, Bataan noong Hunyo 29.
Ang programa ay dinaluhan ng 25 lider na mga kinatawann ng Mariveles Urban Poor Federation na binubuo ng limang urban poor organizations (UPOs) ng nasabing barangay.
Layunin nitong bigyan ng pagkakataon na maipakita ng bawat kasapi ang kani-kanilang talino at galing para sa kolektibong pagpapaunlad ng kanilang samahan. Daan din ito upang palakasin ang samahan sa usapin ng pagdedesisyon tungo sa ikabubuti at tutugon sa pangangailangan at isyu ng samahan. ###
via | PCUP Luzon
PCUP ResU, nagsagawa ng CBP sa Cabuyao, Laguna
30 Hunyo 2022
Muling tinungo ng PCUP Resettlement Unit (ResU) ang Southville 1A- Depante sa Barangay Banay-banay, Cabuyao, Laguna nitong Hunyo 29 upang isagawa ang isang Capability Building Program: TESDA Community-based Skills Training.
Ang nasabing kasanayan ay naglalayon na mapagkalooban ng karagdagang kaalaman sa pagnenegosyo ang mga relocatees sa nasabing pabahay.
Katuwang ang TESDA ay naibahagi sa 30 kalahok ang tungkol sa pagawa ng dishwashing liquid, fabric conditioner, at detergent powder.
Nakibahagi rin sa programa ang mga kinatawan sa National Housing Authority (NHA) – Laguna District Office upang magbigay ng suporta.
Nabigyan naman ng mga health kits, sertipiko ng partisipasyon, at starter kits ang lahat ng dumalo sa pagsasanay. ###
via | PCUP Resettlement Unit
PCUP ResU, dumayo sa Malabon upang magmonitor ng ilang kabahayan doon
30 Hunyo 2022
Dinayo ng PCUP – Resettlement Unit (ResU) ang lungsod ng Malabon noong Hunyo 29, kasama ang City Urban Poor Affairs Office upang magsagawa ng monitoring activities sa ilang mga pabahay sa lugar.
Ibinahagi ng PCUP sa mga residente ng resettlement sites sa naturang lungsod ang mandato at mga programa nito na ibinibigay sa mga maralitang tagalungsod.
Nagsagawa rin ng profiling ang Komisyon upang alamin ang kalagayan ng mga pamilya roon lalo na sa aspeto ng hanapbuhay, seguridad sa paninirahan, kalusugan, estate management, at iba pang usapin na may kinalaman sa kanilang sektor. ###
via | PCUP Resettlement Unit